Monday, April 9, 2007

my old man


Masaya ang pamilya ngayon.

Nung april 5, nag-birthday si tatay. He turned 60. Kagabi, Easter Sunday, ginanap ang kanyang surprise birthday party. Oo, hindi nya alam to. Matagal-tagal din naming pinaghandaan to kaya masaya kami na naging successful yung mahalagang event na to.

Napaluha si tatay nung pagbaba nya sa sasakyan. Ang ine-expect nya kasi eh isang simpleng swimming lang ang pupunatahan nya kasama ang kanyang mga apo. Nagulat sya nung nakita nya ang napakaraming well-wishers. Pamilya, kamag-anak, kaibigan at iba pang mahal sa buhay.

Nung umiyak si tatay, di ko namalayan, napaluha na rin pala ako. Tears of joy. Ang sarap malaman na maraming nagmamahal sa tatay.

Isa lang ang hiling at dasal naming lahat: para sa speedy recovery ni tatay. Sana ay manumbalik ang dating sigla nya, yun bang big appetite for life. Kaya natutuwa ako na kahit sa maliit na selebrasyong naganap eh napaligaya naman sya.

Alam ko, naririnig ni Lord ang aming mga dasal. Gagaling din si tatay.

No comments: