Wednesday, April 18, 2007

senseless horror


May the souls of the victims of the Virginia Tech bloodbath rest in peace.

Sunday, April 15, 2007

victorious


Today, the whole nation celebrates the victory of the People's Champ Manny "Pacman" Pacquiao. The viewers watched with awe how Pacman delivered the final blow by knocking out Jorge Solis on the 8th round. It was an exciting fight. Pacman deserves another hero's welcome. One thing admirable about him is that he offers every fight to the Lord. He has a remarkable faith!

This is another honor for our country. Mabuhay ang Pilipinas!

Meanwhile,his legion of fans (myself included) too are praying that he change his mind and withdraw his candidacy for the congressional race in General Santos City.

hottah! hottah!


Pansin nyo rin ba? Sobra ang init these days. Lalo na kanina, talagang hindi ko ma-tolerate. Sana lang di mahal maningil ang Meralco para naman pwedeng bukas ang aircon 24/7. Haha! Sabi sa ng Pag-asa sa news, hotter days are to come this May. Ampupu, eto ngang init ngayon eh sobra-sobra na weh, paano pa kaya sa isang buwan?! Hay, good luck na lang sa ating mga Pinoy haha! Can we really beat the summer heat or the summer heat's the one that is going to beat us? Hmmm, the question makes sense.

At any rate, sana ay kayanin natin etong malaking dagok sa buhay na ito. Haha!

Monday, April 9, 2007

my old man


Masaya ang pamilya ngayon.

Nung april 5, nag-birthday si tatay. He turned 60. Kagabi, Easter Sunday, ginanap ang kanyang surprise birthday party. Oo, hindi nya alam to. Matagal-tagal din naming pinaghandaan to kaya masaya kami na naging successful yung mahalagang event na to.

Napaluha si tatay nung pagbaba nya sa sasakyan. Ang ine-expect nya kasi eh isang simpleng swimming lang ang pupunatahan nya kasama ang kanyang mga apo. Nagulat sya nung nakita nya ang napakaraming well-wishers. Pamilya, kamag-anak, kaibigan at iba pang mahal sa buhay.

Nung umiyak si tatay, di ko namalayan, napaluha na rin pala ako. Tears of joy. Ang sarap malaman na maraming nagmamahal sa tatay.

Isa lang ang hiling at dasal naming lahat: para sa speedy recovery ni tatay. Sana ay manumbalik ang dating sigla nya, yun bang big appetite for life. Kaya natutuwa ako na kahit sa maliit na selebrasyong naganap eh napaligaya naman sya.

Alam ko, naririnig ni Lord ang aming mga dasal. Gagaling din si tatay.