Saturday, October 13, 2007

Manila, Manila



I particularly liked how the first photograph turned out. I cannot believe that I was actually the one who took it. Lol. Being an amateur in photography, I think that it was quite a feat. (Oo, nagbubuhat ako ng sariling bangko. Hehe!)

In Motion @ Quiapo Bridge




You've Got Mail




Para sa akin, kahit laganap na ang e-mail at iba pang uri ng high-tech modes of communication, iba pa rin sa pakiramdam ang makatanggap ng sulat na ipinadala sa pamamagitan ng snail mail. Napaka-personal kasi nito. Nakakalunkot lang isipin na hindi na natin masyadong ginagawa itong tradisyon na ito.

Yung monument ng The Postman daw is dedicated to the men and women of the Philippine Postal Service. Sabi dun sa mark: A symbol of service excellence, the postman delivers mail that touches the lives of the people across this country and around the world.. Agree ako dun. Bilib ako sa ating mga kartero. Natatandaan ko nung gradeschool ako, palagi kong hinihintay yung kartero sa aming bayan lalo na kapag may inaasahan akong sulat mula sa mga kaibigan. I miss the good old days. Hehe!

Bilang papugay sa kanila, bakit di tayo bumalik sa ating nakasanayan (kahit isang beses lang)? Subukan natin muling magpadala ng sulat sa ating mga kapamilya sa mga post office sa ating lugar. Ako, gagawin ko yan ngayong semestral break.

dahil dito sa Mariposa ay mahirap ang nag-iisa


Dahil dito sa mariposa ay mahirap ang nag-iisa
Dahil dito sa mariposa ako lang ata ang nag-iisa

Mariposa. Isa sa mga unforgettable songs ng Sugarfree. Ganda ng lyrics, di na nakakagulat dahil si Ebe ay isang musical genius. Astig din yung music video nito with Quark Henares at the helm.

Wala lang, napadaan kasi ako kanina dito nung papunta ako sa Cubao X. Naisip ko lang kuhanan. Di ako pumasok ha? Baka may mga malisyosong mga nilalang ang nagbabasa nito.Haha! Ayus!

Friday, October 12, 2007

Avenida: A New Look



Isang welcome development yung utos ni Mayor Alfredo Lim na ibalik ang dating Avenida, yung Avenidang bukas sa mga pampasaherong dyip. Ang ginawa kasi ni dating Mayor Atienza, isinarado nya ang lugar na to sa mga PUJs (at sa iba pang pribadong mga sasakyan) at pinalagyan ng tiles nang sa gayon ay puro tao lang ang laman ng lansangan. Hehe, di ko rin masyado naunawaan kung bakit ginawa yun ni LA. Ang naging epekto tuloy ay ang matinding trapik sa Sta Cruz area. Ngayon, maluwag na ang lansangan, na para naman sa pangkalahatang-kabutihan. Mabuhay ka Mayor Lim!

Jump!


Escolta kids frolicking in a breezy afternoon. At the background is the Pasig River and the Central Post Office. I am finding it amusing to capture happy moments of children. These kids are carefree and innocent. I wish I am a kid again. Hehe!

return of the comeback



Para sa akin, kapuri-puri ang ginawa ni Caparas na buhaying muli ang industriya ng komiks. Maganda rin na suportado ng National Commission on the Culture and the Arts (NCAA) ang proyektong ito. Naging bahagi na ng Pinoy popular culture ang form ng literature na ito. Nung bata ako, natatandaan ko pa na palagi akong bumibili lalo ng nung Funny Komiks. Si Eklok yung di ko makakalimutang character dun. Di lang naman kasi entertainment ang purpose nito. Matututo rin ang mga batang (maski matanda hehe) pahalagahan ang pagbabasa. May mga aral din namang matututunan dito. Maganda rin na sa murang-halaga lamang ay mabibili na ito. Bumuli ako ng dalawa kanina sa may gilig ng Sta. Cruz church. Sana ay tangkilikin ito ng masang Pinoy.