Wednesday, January 24, 2007
Bring Back the Lite!
Powtek!!! Nalungkot talaga ako nang husto nung nalaman ko na nag-reformat na ang 103.5 K-Lite, ang kaisa-isahang FM channel na painakikinggan ko at pinakagusto ko. Para sa tulad kong trip ang light alternative music (not too loud, not too soft), K-Lite talaga ang nangunguna. Kumbaga, akong-ako yun eh, yun ang talagang trip at preference ko. Ang pangalan na nya ngayon ay Heart FM, kaparehas na ng Wave 89.1 ang genre nya. Nakakadismaya. Ang K-Lite lang ang consistently na nagpapatugtog ng mga kanta ng Dishwalla at ng iba pang cool na alternative na banda. Walang kapantay ang K-Lite. Sa loob ng apat na taon ng pakikinig ko dito eh parating satisfied ang musical cravings ko. K-Lite had always provided my alternative fix each day. Para sa akin, malaking kawalan talaga ang K-Lite. The reformatting of it is like stripping the same of its identity, of its very core.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Is it too late to comment on this? I felt the same way when I heard. What do you listen to now? I'm still surfing the channels for a radio station that the tuner can just stick to. It's been a few months already, and so far, none.
Post a Comment