My midterm examinations week didn't really start with a bang.
Labor Relations yung subject nung unang exam.
Pagkabigay na pagkabigay ng questionnaire ng prof eh nagulantang kaagad ako sa question number 1:
State the features of Article XIII Sec. 3 of the Philippine Constitution with regard to labor.
What the...?! Napabulong ako ng medyo malakas. Bulong pa ba yun? Haha!
Tsinek ko yung ibang tanong at lalo akong nanghina. Ang hirap talaga! Nag-nosebleed ako haha! Nag-aral naman ako. Buong Sunday eh nasa library lang ako nagbabasa (opo, bukas ang aming lib nun, ang loser no? Linggong-Linggo eh nasa lib haha!). Sunod nung Monday, mula umaga hanggang 6:30 eh halos hindi na ako tumayo sa pwesto ko sa lib. Call of nature lang ang pahinga! Well, ganun talaga. Life stinks and shit happens, 'ika nga nung kaibigan ko. Sabi ko sa sarili ko eh bawi na lang. Ano pa nga ba? Sa tagal ko na sa lawschool, dapat alam ko na na there's always room for improvement. Kung akala mong binigay mo na lahat ng sipag sa pag-aaral, nagkakamali ka. May mga nerves pa sa utak na hindi nata-tap. At may tyaga pang masasaid mula sa iyong kaluluwa. Haha! Parang karagatan, ang lalim!
Monday, January 15, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment