Thursday, August 30, 2007

i heart Sugarfree


Sugarfree high ako these days. nung sunday, nanuod ako ng jam sessions nila sa jam 88.3. astig, ako lang yung fan na nandun, the rest, crew na ng EMI Phils. (yung record label nila) at ng jam. they sang about seven songs from their 3rd album, Tala-arawan. during the show, i asked them if a 4th album is on the works. wala pa raw, next year pa sabi ni ebe. nag-enjoy talaga ako.magaling sila mag-perform. after nung show, i approached ebe, jal and kaka to have my cds autographed. bait nila. nag-invite pa sila na manuod daw ako ng gig nila the following day.

dahil nga i had a blast dun sa jam sessions, i decided na manuod din ng gig nila kinabukasan (buti na lang holiday nun). sa Mayric's to sa españa. kasama ko yung brod ko. nakakatuwa dahil naalala pa ni idol ebe ang aking pangalan. "Oh Chris buti nakarating ka," banggit ni idol. para sa isang fan, malaking bagay yun.

kanina sa library, i spent about 3 hours googling Sugarfree. Lahat na yata ng blogs, reviews, articles about them eh nabasa ko na. At eto ang bottomline ng lahat ng mga nabasa ko: Sugarfree is the best band of the post-Eraserheads era in music. marami rin akong natutunan sa aking pagbabasa. Mas nakilala ko ang aking paboritong banda. Nalaman ko ang kanilang pinagmulan, ang kanilang mga kabiguan. Marami palang struggles na pinagdaanan ang Sugarfree bago nila narating ang lugar king nasaan sila ngayon. Nalaman ko rin ang mga istorya sa likod ng mga kanta. sa totoo lang eh na-move ako at lalong tumaas ang respesto ko sa banda.

ewan ko pero since nilabas nila yung debut album nila na SA WAKAS eh naging tagahanga na kaagad na nila ako eh. Ibang klaseng album yun, sabi ng music critics,isa na syang legendary album na maituturing. Naging critically-acclaimed etong Sa Wakas. Nanalo sa 2003 NU Rock Awards ng Album of the Year pati Best New Artist. For a band as young as Sugarfree then, it was already a huge feat.

A huge feat, it really was. Deserving naman kasi ang banda. Highly talented ang mga musikero na to. Si Ebe, sobrang laki ng bilib ko sa taong to pagdating sa pagsulat ng kanta. Yung kanta nya, universal ang theme. Yun tipong makaka-relate lahat ng tao. Totoong-totoo, galing sa puso. Walang pretensions o pagkukunwari. Idagdag mo pa dyan ang kalidad ng boses ni Ebe.

Napaka-espesyal sa akin ng album na to. Lalo na ang Hintay, Burn Out, Mariposa, Telepono, Fade Away, Los Baños. Lahat na yata eh.Melancholy at its best ang album na ito, sa palagay ko.Naaalala ko kasi nung graduating na ako sa Beda, tuwing gabi eh sugarfree ang pinapatugtog ko. Kapag sadtrip, inuulit-ulit ko pakinggan yung Fade Away. The profundity of the lyrics would always aggravate the emptiness I was feeling at that moment, of course, not in a bad way. "We all fade away..."

DRAMACHINE. Eto ang kanilang sophomore album. Just like the first, it earned good reviews from the critics. This time, di na ganun kalungkot ang mga tema. A tad happier and livelier na. Palagay ko ay mas pinalapit ng album na ito ang Sugarfree sa masa, taga-suporta man o hindi. Sino ba naman ang makakalimot sa Hari ng Sablay? Oh dun sa pagkukwento ni Ebe tungkol sa kanyang Kwarto? Ang paborito ko ay yung Kwentuhan at Dramachine.

With every album, Sugarfree just never fails to outdo itself. Bawat album, nasu-surpass yung success nung una. Tala-arawan, their lates album, is currently doing well. Sana nga eh maka-gold din just like Dramachine. Pero kung hindi man, it doesn't matter. Ang pinakamahalaga naman ay ang maibahagi nila ang kanilang musika sa kanilang mga taga-suporta. Sapat na yun.As expected, magaganda ang kanta sa Tala-arawan. Napasikat na nila yung Kung Ayaw Mo na sa Akin at Dear Kuya. Patok sa akin yung video ng Dear Kuya, ang kulit. Parang spin-off ng Palibhasa Lalake. Hehe. Sa ngayon, their third single Wag Ka Nang Umiyak is enjoying a tremendous airplay. Tama yung comments nung dalaw kong barkada, nakakataas ng balahibo ang kantang to. Pakinggan nyo na lang para malaman nyo. Enjoy din ako sa Kailan Ka Ba? at Ikaw Pala. Magkakambal tong dalawang tracks na 'to. Kailan Ka Ba talks about a man who's frustratingly waiting for somebody to save him. sabi nung lyrics: "Sino? Nasan? Kailan ka ba? Darating at ako ay sagipin? Sa mundong malupit at naiinip.." Yung Ikaw Pala yung sagot sa tanong sa Kailan Ka Ba. Bonus track din dito sa album yung Batang-Bata Ka Pa from the Kami nAPO Muna tribute sa Apo Hiking Society.

Hanggang ngayon, nakapako pa rin sa utak ko ang mga kanta ng Sugarfree. Pag natapos mag-play sa utak ko yung isang kanta eh mapapalitan na naman ng ibang kanta nila. Parang may built-in ipod special Sugarfree edition haha.

Excited na ako sa kanilang first major concert sa September 29 sa Music Museum. Di na ko makapaghintay. Hehe.

hardcore Sugarfreak ako. paki mo?
And I am damn proud of it.
Mabuhay ang mga musikerong Pinoy!

Astig.
Ayus.

Tuesday, August 7, 2007

ibang klase 'to!


This is our classroom. Your alternative social studies class on FM.usapang.ugali.musika.sining.at.sibika. Matuto. Makinig.Makilahok.Game. Kasama si Lourd de Veyra at Gang Badoy.-sabi sa website nila.
_____

Repost from rockedradio.blogspot.com:

Now.
For the first time we will request for ALL Social Studies Teachers to make this required listening for students. So if you know a teacher, tell them about this episode. Please.

Human Security Act overview. Listen to the Supreme Court's Atty. Midas Marquez, the DOJ's Atty. Geronimo Sy, UP Third World Studies Center's Prof. Miriam Coronel, and Free Legal Assistance Group's Atty. Chel Diokno discuss the merits and cons of the Human Security Act.

Totoo bang puwede kang ma-arresto na walang warrant?
Totoo ba na kung suspected ka lang na subersibo eh pwede ka nang madakip?
Bola lang ba yon?

Makinig. Magtanong na kayo ngayon dito sa website habang maaga pa, minsan mahirap basahin ang questions online during the show itself. Mauna na kayo dito pa lang.

Samahan si Gang, Lourd at si Karl Roy magtanong tungkol sa sinasabing batas na ito.

Makinig. Magtanong. Matuto. Makilahok.

PS: please feel free to cut and paste this onto your online accounts. More people should hear this episode.

your alternative Social Studies class on FM radio



ROCK ED RADIO. Ito na ang pinaka-astig na radio program ngayon. Napaka-informative at entertaining. Andaming pwede matutunan. According to its website: "This is our classroom. Your alternative social studies class on FM.usapang.ugali.musika.sining.at.sibika. Matuto. Makinig.Makilahok.Game. Kasama si Lourd de Veyra at Gang Badoy."

Nung Sunday, Earth Care 101 ang topic ng show. One thing that I realized while listening to the program is that is high time for us to take care of our environment.

All the environmental crises (extreme weather conditions, the critical level of our major dams, etc) should be a wakeup call for us. Through our own small ways, maraming kaparaanan upang mapangalagaan ang ating Inang Kalikasan. Ang simpleng di pag-aaksaya ng tubig, ang pagtanggal ng plugs ng appliances kapag di ginagamit, ang hindi pagtatapon ng basura sa lansangan. At ang pinakamahalaga sa lahat ay education at information. Marami sa atin ang may maling notion na dapat ay ang mga environmental groups at gobyerno lamang ang nangangalaga sa ating kapaligiran. Hindi iyon tama. Dapat ay tayong mga mamamayan ang nangunguna sa mga ganitong usapin. After all, napakalaki ng papel na ginagampanan ng ating environment sa ating pang-araw-araw na buhay. Kelangan ko bang maging bahagi o miyembro ng mga organisasyong tulad ng Greenpeace? Hindi. Pero sa totoo lang, pagkatapos ko pakinggan yung show, parang gusto ko mapabilang sa kanila. Saludo ako sa mga ginagawa nila. Astig.

to blog or not to blog

gustuhin ko mang i-maintain ang aking blogs (eto at yung isa kong blog na seryoso), eh parang di ganun ka-posible eh. nakakain kasi ng pagbabasa ang lahat ng oras ko. Ang daily routine ko kasi ay eto:

8am - aalis dito sa Marikina papuntang school.
9am -dadating sa school. start na ng pagbabasa para sa 59m class kinahapunan
9am-5pm onwards - reading time. Dapat sundin ang routine na ito strictly, or else, i'll perish.
5-9pm - aattend naman ng class. madalas nag-eextend pa yan until 9:30
10 or 10:30- dadating ako sa bahay. I hardly have the energy to take my dinner. Mas gugustuhin ko pa ang matulog.

sa ganung klaseng sched, malabo talagang mai-update ko ang aking blog. Disappointed nga ako since sinabi ko dati sa sarili ko that blogging would be a regular thing for me. Pero alaws talagang oras eh. Marami pa akong gustong isulat. Hopefully, I will be able to resolve this little predicament. Pero sa ngayon, the most that I can do ay bumisita sa blogs ng ibang tao (blog crashing ba 'to? hehe) Nag-eenjoy talaga at nalilibang kapag nagbabasa ng blogs ng iba't-ibang klaseng nilalang.

cancelled-ang-classes-today-kaya-magsagot-muna-ng-walang-kwentang-survey-na-to-mula-sa-friendster...

1.) Anong song ang last na pinatugtog
mo.?
- Tala-arawan album ng
sugarfree. 'Huwag Ka Nang Umiyak'
pucha galing ni ebe. tumatayo balahibo
ko sa kantang to

2.) San ka galing kahapon?
- eskwela.

3.) Sinong huli mong nakausap sa
phone?
- carmela. classmate ko. nagco-confirm
kung ala ba talagang pasok

4.) Sinong iniisip mo ngayon?
- sino sa palagay mo?

5.) Happy ka ba ngayon?
- happy. buti walang pasok. may
midterm exam pa naman ako sa wills.
that means more time to prepare. bait
ni Lord

6.) Kamusta naman ang life moh?
- sa ngayon, boring. monotonous. same
pattern:
gumising
mag-aral.
magbasa.
magbasa pa.
umattend ng klase.
umuwi.
magbasa pa nang konti.
matulog.
aba eh kung pwede lang magbasa sa
panaginip eh ginawa ko na siguro haha
buti talaga cancelled ang classes
ngayon. hayan, na-break ang pattern

7.)Mabilis ka bang magsawa?
- depende kung ano ba yang tinutukoy
mo.

8.) Gusto mo bang makipag telebabad sa
telephone?
- hindi

9.) Sinu ksama mo ngayon?
- mag-isa ngayon sa bahay

10.) Pagod ka ba ngayon?
- steady lang. bakit, imamasahe mo ba
ko? haha

11.) Napagalitan ka ba ngayon?
- dehins

12.)Umiyak ka ba kanina?
- wala namang dahilan para umiyak

13.) Mahilig ka ba sa gifts?
- bakit, bibigyan mo ko??

14.) Anong gusto mong gawin ngayon?
- lumipad. may reklamo??

15.) San mo gustong pumunta?
- sa dulo ng walang hanggan. haha

16.) Umiinom ka ba ng mga alcoholic
drinks?
- inom tayo?

17.) Anong mas gusto mo... makulit o
pasaway?
- makulit

18.)Malambing o mataray?
- mixture siguro. para may spice

19.) Anong fave mong drink?
- medyo napapadalas ang lipton green
tea ko ngayon. yung mainit ha. yung
naka-teabag. sarap eh. dahil siguro
ang endorser eh crush ko. si armi
millare. it gets me in the zone.

20.)Adik ka ba sa siopao?
- di ako nihilig o mahilig dun. baka
binasang karton o pusa ang palaman haha

21.) Anong feeling mo pag may kausap
ka sa phone?
- ano ba ang dapat maramdaman? ewan

22.) Anong iniisip mo ngayon?
- kung bakit pinapatulan ko ang survey
na to hahaha

23.) Anong feeling mo ngayong oras
na 'to?
- steady nga lang. kulet

24.) Mahilig ka ba sa mga remembrance?
- tama lang. detach. detach.

25.) Anong ginagawa mo ngayon?
- nagsasagot ng survey na to,
malamang??

26.) Kumain ka na ba ng dinner?
- oo. kagabi. umaga na eh

27.) Anong huli mong pinanood sa TV?
- Umagang Kay Ganda. nagcartwheel pa
nga si rica peralejo eh. anong sense
ng pagsasabi ko nun? haha wala lang
naalala ko lang

28.) Bakit kelangan masaktan 2wing
magmamahal?
- aba malay ko