Tuesday, August 7, 2007

your alternative Social Studies class on FM radio



ROCK ED RADIO. Ito na ang pinaka-astig na radio program ngayon. Napaka-informative at entertaining. Andaming pwede matutunan. According to its website: "This is our classroom. Your alternative social studies class on FM.usapang.ugali.musika.sining.at.sibika. Matuto. Makinig.Makilahok.Game. Kasama si Lourd de Veyra at Gang Badoy."

Nung Sunday, Earth Care 101 ang topic ng show. One thing that I realized while listening to the program is that is high time for us to take care of our environment.

All the environmental crises (extreme weather conditions, the critical level of our major dams, etc) should be a wakeup call for us. Through our own small ways, maraming kaparaanan upang mapangalagaan ang ating Inang Kalikasan. Ang simpleng di pag-aaksaya ng tubig, ang pagtanggal ng plugs ng appliances kapag di ginagamit, ang hindi pagtatapon ng basura sa lansangan. At ang pinakamahalaga sa lahat ay education at information. Marami sa atin ang may maling notion na dapat ay ang mga environmental groups at gobyerno lamang ang nangangalaga sa ating kapaligiran. Hindi iyon tama. Dapat ay tayong mga mamamayan ang nangunguna sa mga ganitong usapin. After all, napakalaki ng papel na ginagampanan ng ating environment sa ating pang-araw-araw na buhay. Kelangan ko bang maging bahagi o miyembro ng mga organisasyong tulad ng Greenpeace? Hindi. Pero sa totoo lang, pagkatapos ko pakinggan yung show, parang gusto ko mapabilang sa kanila. Saludo ako sa mga ginagawa nila. Astig.

No comments: