Tuesday, August 7, 2007

your alternative Social Studies class on FM radio



ROCK ED RADIO. Ito na ang pinaka-astig na radio program ngayon. Napaka-informative at entertaining. Andaming pwede matutunan. According to its website: "This is our classroom. Your alternative social studies class on FM.usapang.ugali.musika.sining.at.sibika. Matuto. Makinig.Makilahok.Game. Kasama si Lourd de Veyra at Gang Badoy."

Nung Sunday, Earth Care 101 ang topic ng show. One thing that I realized while listening to the program is that is high time for us to take care of our environment.

All the environmental crises (extreme weather conditions, the critical level of our major dams, etc) should be a wakeup call for us. Through our own small ways, maraming kaparaanan upang mapangalagaan ang ating Inang Kalikasan. Ang simpleng di pag-aaksaya ng tubig, ang pagtanggal ng plugs ng appliances kapag di ginagamit, ang hindi pagtatapon ng basura sa lansangan. At ang pinakamahalaga sa lahat ay education at information. Marami sa atin ang may maling notion na dapat ay ang mga environmental groups at gobyerno lamang ang nangangalaga sa ating kapaligiran. Hindi iyon tama. Dapat ay tayong mga mamamayan ang nangunguna sa mga ganitong usapin. After all, napakalaki ng papel na ginagampanan ng ating environment sa ating pang-araw-araw na buhay. Kelangan ko bang maging bahagi o miyembro ng mga organisasyong tulad ng Greenpeace? Hindi. Pero sa totoo lang, pagkatapos ko pakinggan yung show, parang gusto ko mapabilang sa kanila. Saludo ako sa mga ginagawa nila. Astig.

to blog or not to blog

gustuhin ko mang i-maintain ang aking blogs (eto at yung isa kong blog na seryoso), eh parang di ganun ka-posible eh. nakakain kasi ng pagbabasa ang lahat ng oras ko. Ang daily routine ko kasi ay eto:

8am - aalis dito sa Marikina papuntang school.
9am -dadating sa school. start na ng pagbabasa para sa 59m class kinahapunan
9am-5pm onwards - reading time. Dapat sundin ang routine na ito strictly, or else, i'll perish.
5-9pm - aattend naman ng class. madalas nag-eextend pa yan until 9:30
10 or 10:30- dadating ako sa bahay. I hardly have the energy to take my dinner. Mas gugustuhin ko pa ang matulog.

sa ganung klaseng sched, malabo talagang mai-update ko ang aking blog. Disappointed nga ako since sinabi ko dati sa sarili ko that blogging would be a regular thing for me. Pero alaws talagang oras eh. Marami pa akong gustong isulat. Hopefully, I will be able to resolve this little predicament. Pero sa ngayon, the most that I can do ay bumisita sa blogs ng ibang tao (blog crashing ba 'to? hehe) Nag-eenjoy talaga at nalilibang kapag nagbabasa ng blogs ng iba't-ibang klaseng nilalang.

cancelled-ang-classes-today-kaya-magsagot-muna-ng-walang-kwentang-survey-na-to-mula-sa-friendster...

1.) Anong song ang last na pinatugtog
mo.?
- Tala-arawan album ng
sugarfree. 'Huwag Ka Nang Umiyak'
pucha galing ni ebe. tumatayo balahibo
ko sa kantang to

2.) San ka galing kahapon?
- eskwela.

3.) Sinong huli mong nakausap sa
phone?
- carmela. classmate ko. nagco-confirm
kung ala ba talagang pasok

4.) Sinong iniisip mo ngayon?
- sino sa palagay mo?

5.) Happy ka ba ngayon?
- happy. buti walang pasok. may
midterm exam pa naman ako sa wills.
that means more time to prepare. bait
ni Lord

6.) Kamusta naman ang life moh?
- sa ngayon, boring. monotonous. same
pattern:
gumising
mag-aral.
magbasa.
magbasa pa.
umattend ng klase.
umuwi.
magbasa pa nang konti.
matulog.
aba eh kung pwede lang magbasa sa
panaginip eh ginawa ko na siguro haha
buti talaga cancelled ang classes
ngayon. hayan, na-break ang pattern

7.)Mabilis ka bang magsawa?
- depende kung ano ba yang tinutukoy
mo.

8.) Gusto mo bang makipag telebabad sa
telephone?
- hindi

9.) Sinu ksama mo ngayon?
- mag-isa ngayon sa bahay

10.) Pagod ka ba ngayon?
- steady lang. bakit, imamasahe mo ba
ko? haha

11.) Napagalitan ka ba ngayon?
- dehins

12.)Umiyak ka ba kanina?
- wala namang dahilan para umiyak

13.) Mahilig ka ba sa gifts?
- bakit, bibigyan mo ko??

14.) Anong gusto mong gawin ngayon?
- lumipad. may reklamo??

15.) San mo gustong pumunta?
- sa dulo ng walang hanggan. haha

16.) Umiinom ka ba ng mga alcoholic
drinks?
- inom tayo?

17.) Anong mas gusto mo... makulit o
pasaway?
- makulit

18.)Malambing o mataray?
- mixture siguro. para may spice

19.) Anong fave mong drink?
- medyo napapadalas ang lipton green
tea ko ngayon. yung mainit ha. yung
naka-teabag. sarap eh. dahil siguro
ang endorser eh crush ko. si armi
millare. it gets me in the zone.

20.)Adik ka ba sa siopao?
- di ako nihilig o mahilig dun. baka
binasang karton o pusa ang palaman haha

21.) Anong feeling mo pag may kausap
ka sa phone?
- ano ba ang dapat maramdaman? ewan

22.) Anong iniisip mo ngayon?
- kung bakit pinapatulan ko ang survey
na to hahaha

23.) Anong feeling mo ngayong oras
na 'to?
- steady nga lang. kulet

24.) Mahilig ka ba sa mga remembrance?
- tama lang. detach. detach.

25.) Anong ginagawa mo ngayon?
- nagsasagot ng survey na to,
malamang??

26.) Kumain ka na ba ng dinner?
- oo. kagabi. umaga na eh

27.) Anong huli mong pinanood sa TV?
- Umagang Kay Ganda. nagcartwheel pa
nga si rica peralejo eh. anong sense
ng pagsasabi ko nun? haha wala lang
naalala ko lang

28.) Bakit kelangan masaktan 2wing
magmamahal?
- aba malay ko

Thursday, July 19, 2007

The New Equation for Good Music


tune in to 92.3 XFM

xFM plays downtempo, electronica,
ambient, chill out, lounge, house,
trip hop, and indie music.

eto yung former joey. sarap makinig
dito. nakakasawa ang mainstream fm
radio eh. lalo na kung nag-aaral for
tomorrow's recitation(ATTENTION FELLOW
LAW STUDENTS! hehe!) o kaya kung
nagkakape o kaya yung simpleng
pagrerelax lang. try nyo!

www.923xfm.ph

Wednesday, May 9, 2007

christopher reads



I've never enjoyed reading Time that much until I grabbed myself a copy of its latest issue. This special issue features the 100 most influential people there is at present. Been reading the articles since two days ago and I really find the stories behind these people interesting. A worthwhile read especially when one is bored, a good alternative to making yourself look like a fool in front of the boob tube. Haha!

Grab your copy now!

Sunday, May 6, 2007

Be cool.



Sa wakas, nalasap ko rin ang tinaguriang 'the best halo-halo in town' ng Inquirer, ang Razon's Halohalo. Pag ganitong sobrang init ng panahon eh nakakatulong sa pagpawi ng init (pati init ng ulo haha)ang isang cool na cool na halohalo.

Di ko kokontrahin, bagkus ay papatotohanan ko ang review ng Inquirer, napakasarap talaga ng Razon's.

Sulit ang long drive papunta ng Razon's. I might return tomorrow, kapag uminit ulit ang ulo ko dahil sa napakatinding init. Haha!

Saturday, May 5, 2007

Tama Na. Panahon Na.



Tama na ang katahimikan.
Tama na ang hindi pakikialam.
Tama na ang panunuod lamang.
Tama na. Tama na.

Panahon na para sa tunay na pagbabago.
Panahon na upang manindigan.
Panahon na upang marinig.
Panahon na upang kumilos.
Panahon na. Panahon na.

Kabataan, tayo ang pag-asa at kinabukasan.