Thursday, August 30, 2007

i heart Sugarfree


Sugarfree high ako these days. nung sunday, nanuod ako ng jam sessions nila sa jam 88.3. astig, ako lang yung fan na nandun, the rest, crew na ng EMI Phils. (yung record label nila) at ng jam. they sang about seven songs from their 3rd album, Tala-arawan. during the show, i asked them if a 4th album is on the works. wala pa raw, next year pa sabi ni ebe. nag-enjoy talaga ako.magaling sila mag-perform. after nung show, i approached ebe, jal and kaka to have my cds autographed. bait nila. nag-invite pa sila na manuod daw ako ng gig nila the following day.

dahil nga i had a blast dun sa jam sessions, i decided na manuod din ng gig nila kinabukasan (buti na lang holiday nun). sa Mayric's to sa españa. kasama ko yung brod ko. nakakatuwa dahil naalala pa ni idol ebe ang aking pangalan. "Oh Chris buti nakarating ka," banggit ni idol. para sa isang fan, malaking bagay yun.

kanina sa library, i spent about 3 hours googling Sugarfree. Lahat na yata ng blogs, reviews, articles about them eh nabasa ko na. At eto ang bottomline ng lahat ng mga nabasa ko: Sugarfree is the best band of the post-Eraserheads era in music. marami rin akong natutunan sa aking pagbabasa. Mas nakilala ko ang aking paboritong banda. Nalaman ko ang kanilang pinagmulan, ang kanilang mga kabiguan. Marami palang struggles na pinagdaanan ang Sugarfree bago nila narating ang lugar king nasaan sila ngayon. Nalaman ko rin ang mga istorya sa likod ng mga kanta. sa totoo lang eh na-move ako at lalong tumaas ang respesto ko sa banda.

ewan ko pero since nilabas nila yung debut album nila na SA WAKAS eh naging tagahanga na kaagad na nila ako eh. Ibang klaseng album yun, sabi ng music critics,isa na syang legendary album na maituturing. Naging critically-acclaimed etong Sa Wakas. Nanalo sa 2003 NU Rock Awards ng Album of the Year pati Best New Artist. For a band as young as Sugarfree then, it was already a huge feat.

A huge feat, it really was. Deserving naman kasi ang banda. Highly talented ang mga musikero na to. Si Ebe, sobrang laki ng bilib ko sa taong to pagdating sa pagsulat ng kanta. Yung kanta nya, universal ang theme. Yun tipong makaka-relate lahat ng tao. Totoong-totoo, galing sa puso. Walang pretensions o pagkukunwari. Idagdag mo pa dyan ang kalidad ng boses ni Ebe.

Napaka-espesyal sa akin ng album na to. Lalo na ang Hintay, Burn Out, Mariposa, Telepono, Fade Away, Los Baños. Lahat na yata eh.Melancholy at its best ang album na ito, sa palagay ko.Naaalala ko kasi nung graduating na ako sa Beda, tuwing gabi eh sugarfree ang pinapatugtog ko. Kapag sadtrip, inuulit-ulit ko pakinggan yung Fade Away. The profundity of the lyrics would always aggravate the emptiness I was feeling at that moment, of course, not in a bad way. "We all fade away..."

DRAMACHINE. Eto ang kanilang sophomore album. Just like the first, it earned good reviews from the critics. This time, di na ganun kalungkot ang mga tema. A tad happier and livelier na. Palagay ko ay mas pinalapit ng album na ito ang Sugarfree sa masa, taga-suporta man o hindi. Sino ba naman ang makakalimot sa Hari ng Sablay? Oh dun sa pagkukwento ni Ebe tungkol sa kanyang Kwarto? Ang paborito ko ay yung Kwentuhan at Dramachine.

With every album, Sugarfree just never fails to outdo itself. Bawat album, nasu-surpass yung success nung una. Tala-arawan, their lates album, is currently doing well. Sana nga eh maka-gold din just like Dramachine. Pero kung hindi man, it doesn't matter. Ang pinakamahalaga naman ay ang maibahagi nila ang kanilang musika sa kanilang mga taga-suporta. Sapat na yun.As expected, magaganda ang kanta sa Tala-arawan. Napasikat na nila yung Kung Ayaw Mo na sa Akin at Dear Kuya. Patok sa akin yung video ng Dear Kuya, ang kulit. Parang spin-off ng Palibhasa Lalake. Hehe. Sa ngayon, their third single Wag Ka Nang Umiyak is enjoying a tremendous airplay. Tama yung comments nung dalaw kong barkada, nakakataas ng balahibo ang kantang to. Pakinggan nyo na lang para malaman nyo. Enjoy din ako sa Kailan Ka Ba? at Ikaw Pala. Magkakambal tong dalawang tracks na 'to. Kailan Ka Ba talks about a man who's frustratingly waiting for somebody to save him. sabi nung lyrics: "Sino? Nasan? Kailan ka ba? Darating at ako ay sagipin? Sa mundong malupit at naiinip.." Yung Ikaw Pala yung sagot sa tanong sa Kailan Ka Ba. Bonus track din dito sa album yung Batang-Bata Ka Pa from the Kami nAPO Muna tribute sa Apo Hiking Society.

Hanggang ngayon, nakapako pa rin sa utak ko ang mga kanta ng Sugarfree. Pag natapos mag-play sa utak ko yung isang kanta eh mapapalitan na naman ng ibang kanta nila. Parang may built-in ipod special Sugarfree edition haha.

Excited na ako sa kanilang first major concert sa September 29 sa Music Museum. Di na ko makapaghintay. Hehe.

hardcore Sugarfreak ako. paki mo?
And I am damn proud of it.
Mabuhay ang mga musikerong Pinoy!

Astig.
Ayus.

2 comments:

digital.mojo said...

nagperform sugar free nung company party namin last week kaso late nako nakapunta kaya di ko naabutan. nagsa-soundtrip din ako ng sugarfree kasi may lalim na di ko napansin agad nung paumpisa pa lang sila. tingin ko nga dati just another band featured in pulp. pero ok, da best.

link kita sa site ko.

- kwentongbarbero.com

Neneng_Praning said...

Hi,
I'am a sugarfree fan as well. Yet, I only saw them once sa rockestra. Para sa akin ung album an sa wakas talaga ang may malakas na tama sa akin. tuwing maririnig ko ang burnout, telepono at lalo na ung UNANG ARAW. hindi ko mapigilan maging emotional.It was the summer of 2003 when i got their album at talagang nagasgas yata ang cd.Gusto ko din ung kwentuhan. maganda ang lyrics nun. haaaay. nakakatuwa lang na ur a sugarfreak as well.