Friday, October 12, 2007

return of the comeback



Para sa akin, kapuri-puri ang ginawa ni Caparas na buhaying muli ang industriya ng komiks. Maganda rin na suportado ng National Commission on the Culture and the Arts (NCAA) ang proyektong ito. Naging bahagi na ng Pinoy popular culture ang form ng literature na ito. Nung bata ako, natatandaan ko pa na palagi akong bumibili lalo ng nung Funny Komiks. Si Eklok yung di ko makakalimutang character dun. Di lang naman kasi entertainment ang purpose nito. Matututo rin ang mga batang (maski matanda hehe) pahalagahan ang pagbabasa. May mga aral din namang matututunan dito. Maganda rin na sa murang-halaga lamang ay mabibili na ito. Bumuli ako ng dalawa kanina sa may gilig ng Sta. Cruz church. Sana ay tangkilikin ito ng masang Pinoy.

No comments: