Saturday, October 13, 2007
You've Got Mail
Para sa akin, kahit laganap na ang e-mail at iba pang uri ng high-tech modes of communication, iba pa rin sa pakiramdam ang makatanggap ng sulat na ipinadala sa pamamagitan ng snail mail. Napaka-personal kasi nito. Nakakalunkot lang isipin na hindi na natin masyadong ginagawa itong tradisyon na ito.
Yung monument ng The Postman daw is dedicated to the men and women of the Philippine Postal Service. Sabi dun sa mark: A symbol of service excellence, the postman delivers mail that touches the lives of the people across this country and around the world.. Agree ako dun. Bilib ako sa ating mga kartero. Natatandaan ko nung gradeschool ako, palagi kong hinihintay yung kartero sa aming bayan lalo na kapag may inaasahan akong sulat mula sa mga kaibigan. I miss the good old days. Hehe!
Bilang papugay sa kanila, bakit di tayo bumalik sa ating nakasanayan (kahit isang beses lang)? Subukan natin muling magpadala ng sulat sa ating mga kapamilya sa mga post office sa ating lugar. Ako, gagawin ko yan ngayong semestral break.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment