Nakakagalit yung nangyaring trahedya sa Glorietta2 nung Byernes.
Bakit kailangan pang may madamay na mga inosenteng tao? Wala naman silang kinalaman dun ha?
Nagbabasa ako kanina ng Inquirer, hindi ko napigilan ang mapaluha. Nandun sa article yung excerpts ng interviews sa mga pamilya nung mga namatayan. Naisip ko, kahit kaninong pamilya, pwedeng mangyari yun. Marami pang maaaring gawin at maitulong sa pamilya nila yung mga nasawi. Pero nagyon, naglaho na lamang bigla lahat ng kanilang mga pangarap. Nararapat bang sapitin nila y'on? Maiisip mo talaga, na unfair ang buhay. Hay, nagiging philosophical na naman ako. Nadala lang siguro ako sa mga nabasa ko sa dyaryo kanina.
Sa bawat paglabas natin ng bahay, paano pa tayong makasisiguro na makauuwi tayo ng buhay?
Ipagdasal natin ang mapayapang paglalakbay ng mga inosenteng biktima ng krimen na ito.
Sunday, October 21, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment